Bakit ako magpapakabait kung mas nakakalamang ang masama?
Sa gitna ng lahat ng paghihirap due to COVID-19, how can some people still take advantage of their position and power? And how easily they get away with it! Bakit hindi sila pinaparusahan ng Diyos? Bakit pa ako magpapakabuti kung mas nakakalamang naman ang masasama?
COVID-19 has brought out the best and the beast in us. Pasalamatan natin ang Diyos para sa doctors, nurses, and other medical staff who put their lives and the welfare of their families on the line so that we can safely stay at home. Maraming volunteers mula sa private sector, church, and NGO community na nagsasakripisyong abutin ang mga taong kailangang-kailangan talaga ng tulong. Marami ring government employees na masipag na naglilingkod para mapagaan ang buhay nating lahat. Pero nakakalungkot talaga na may mga taong sinasamantala ang crisis na ito. Sila ang may power at influence para makapagpa-test at mapa-test agad ang pamilya nila. Dahil sumisingit sila sa pila, hindi nakakapagpa-test ang mga mas kailangan ng test. Sa ibang lugar naman, ang mga friends at supporters lang ng local officials ang nakakatanggap ng ayuda. Pag hindi ka close sa local officials, sorry ka na lang. Nakita rin natin kung paanong ginagamit ang baril sa ngalan ng “peace and order.”
Nakapanglulumo talaga ang mga ganitong pangyayari. Lalo na pag madalas mong nararanasan. Ngunit huwag mawalan ng pag-asa. Take heart. Kung galit ka sa mga nang-aabuso at nagsasamantala, lalong galit ang Diyos. There is a higher Judge and a future judgment. May pagtutuos, kundi ngayon sa mundong ito, sa kabilang buhay. Kaya huwag nating kainggitan ang mga nakakalamang ngayon. Matindi ang kaparusahan sa kasamaan—eternal damnation. May katapusan ang kasamaan. Magdasal at isumbong mo sa Diyos ang mga nang-aabuso. Huwag mo silang tularan. Habang may kasamaan, lalo tayong tumingin sa Diyos at magtiwala. Ang Diyos ay makatarungan. Minsan ay agad nating makikita ang sagot sa ating mga sumbong. Agad kikilos ang Diyos upang tapusin ang kasamaan, pero minsan, ay hindi pa natin ito makikita. Hindi ibig sabihin nito na hindi nakikita ng Diyos ang lahat ng nangyayari. It does not mean that God does not care. Ipinangako ng Diyos na paparusahan Niya ang kasalanan. Pero gagawin Niya ito sa panahong itinakda Niya—in His time, not ours.
When you feel like giving up, reflect on God’s Word:
“Ang Diyos ang namumuno ng pulong sa kalangitan, sa pulong ng mga diyos, ganito ang kapasyahan. Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama, tumigil na ng paghatol na panig sa masasama. Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa, Ang marapat na tulunga’y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila’y dapat na iligtas.”
Awit 82:1-4, MBB
ð
This response contributed by Nor Aquino-Gonzales
Former Communications Specialist at the World Bank
Contributor to Passion and Power—Pulpit Messages from the Filipino Heart
This is just one of the many questions that we try to answer and analyze in our FREE EBOOK - What About COVID-19? Why? What Now? What’s Next. You can download the ebook HERE.
To learn more about it, click here.