Ano ang kahulugan ng lahat ng ito?
Ano ang kahulugan ng lahat ng ito? May point pa ba ang lahat?
When our 87-year-old father died a week after the community quarantine started, naging napakasakit nito para sa aming mga anak niya na wala roon sa probinsya. Kahit na two-hour drive lang mula Manila ang hometown namin, hindi kami nakauwi para makapagpaalam sa aming ama at magbigay ng comfort at suporta sa aming ina, mga kapatid, at kamag-anak. It was extra painful for me bilang panganay sa pamilya ng walo, at bilang isang pastor. Thirty-eight years na akong ginagamit ng Diyos upang paglingkuran ang mga nagluluksang pamilya, subalit hindi ko napaglingkuran ang sarili kong mga mahal sa buhay. Wala akong nagawa kundi umiyak na lamang.
Nararamdaman ko ang dalamhati ng mga pamilya ng higit sa 200,000 nang namatay worldwide, dahil sa COVID-19. Naiintindihan ko rin ang lungkot at takot ng higit sa 3 million na tao na nasa isolation dahil sila ay COVID-19 positive. Lumalaki rin ang pangamba ng mga tao at gobyerno sa pagpapatuloy ng crisis na ito. Ano ang point ng lahat ng ito? Kung mayroong Diyos, bakit Niya hinahayaang mangyari ito? From my grief, prayer, and reflection of God’s Word, hayaan ninyong ibahagi ko ang ilang reflections:
Ang crisis na ito ay bahagi ng pagdaing at paghihirap ng Creation dahil sa corruption at imperfections sa mundo. Ironically, sa pagsulong ng edukasyon, science, ekonomiya at teknolohiya, tumataas din ang stress, habang bumababa ang moralidad at humihina ang pananampalataya sa Buhay na Diyos (Psalm 14:1-3). Sabi ni C.S. Lewis, “Human history is the long terrible history of man trying to find something other than God which will make him happy.” Ang malungkot dito, paulit-ulit itong nangyari sa Israel, ang mga taong itinuturing ng Biblia na pinakamalapit sa Diyos. They broke the heart of God by taking Him for granted and disobeying their covenant with Him. Dahil dito, nakaranas sila ng iba’t ibang disasters at pagdurusa.
Tinatawag ng crisis na ito ang ating atensyon at iniimbitahan tayong suriin at pag-isipan muli ang ating mga gawain. Masyado tayong naging abala sa maraming bagay kaya hindi natin napagtuunan ng pansin ang ating pamilya. Hindi rin natin naalagaan ang ating kaluluwa. We had no time to walk with and delight in God who created us, sustains us, cares for us, and can help us in our troubles (see 2 Chronicles 7:12-18; Isaiah 1:18-20; Psalm 34:4-6; 91:14-16). Sabi pa muli ni C.S. Lewis, “God whispers to us in our pleasures, speaks in our consciences, but shouts in our pains. It is his megaphone to rouse a deaf world.”
May good news para sa ating lahat sa gitna ng pandemic na ito: Sa ating forced confinement at brokenheartedness, maaari tayong manawagan sa Panginoon. Sasamahan Niya tayo at ililigtas tayo mula sa ating mga suliranin, dahil Siya ay malapit lamang (Psalm 34:17-20). Ang Panginoong ito ay dumating at nagkatawang-tao sa persona ni Jesus (John 1:1-14). The Apostles said, darating sa atin ang panahon ng kapahingahan mula sa paghihirap kapag nagsisi tayo at lumapit sa Kanya (Acts 3:19-20). Iniimbitahan tayo ni Jesus na lumapit sa Kanya (Matthew 11:28-30). Mahahanap natin ang Kanyang kapayapaan na hindi kayang ibigay ng mundo (John 14:27). Palalakasin tayo ng Kanyang kagalakan (Nehemiah 8:10; John 15:11), at tutulungan tayo ng Kanyang pag-ibig na mapagtagumpayan ang anumang crisis (Romans 8:31-39). Our family experienced all of these amidst our mourning.
ð
This response contributed by Dr. Nomer Bernardino
Author of Psalm Kind of Happiness: Discovering and Experiencing Authentic Joy at By the Book: The Whys and Hows of Biblical Preaching
This is just one of the many questions that we try to answer and analyze in our FREE EBOOK - What About COVID-19? Why? What Now? What’s Next. You can download the ebook HERE.
To learn more about it, click here.