Masama ba ang magreklamo?
Narinig ko sa mga well-meaning na tao na dapat nating itigil na ang pagrereklamo at pagpuna sa gobyerno at sumunod na lang sa lahat ng rules. Masama ba ang magreklamo? Ano ang dapat kong gawin kung gayon?
Habang nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ), nagpo-post ako sa social media ng mga salitang maingat kong pinag-isipan para purihin o punahin ang isang issue. Bilang isang citizen na nais lamang ang pinakamabuti para sa ating bayan, I participate in national conversations.
Then suddenly, nabasa ko ang isang item sa prayer concerns ng church namin: “May we act in solidarity to combat COVID-19 instead of complaining and criticizing the government.”
“Instead of . . .” Nalungkot ako rito. Because it is not a choice between being in solidarity and being gagged in silence. Hindi mutually exclusive ang dalawang ito sa isa’t isa. Kailangang pareho natin silang gawin. Ibig sabihin, hindi porket nagreklamo tayo ay hindi na natin mahal ang bayan natin. Kumukuha ng karunungan ang gobyerno sa mga hinaing at puna ng mga mamamayan, laong-lalo na sa panahon ng pandemic.
Hindi ko masabi ang nararamdaman ko nang hindi masasaktan ang sumulat ng prayer list na iyon.
Sa page 121 ng binabasa kong libro, What Good Is God? by Philip Yancey, the author wrote the words I could not express.
Let me quote Yancey (emphases mine):
“I write honestly . . . even though it may cause others pain. I would hope that readers call me down on my own inconsistencies and exaggerations . . . I know of no more honest book than the Bible, which tells the ugly truth about its main protagonists [think of Moses, David, Peter, Paul] as well as the church to carry on the tradition.
“In contrast, the Pharisees and their kin exhibit one persistent flaw: an inability to take criticism.
“People and institutions naturally want to present themselves in the best light and thus we rationalize or cover up mistakes. When we do so, we move away from authenticity toward the very dangers Jesus warned against, in the process sealing off grace.”
My personal belief: Bilang mga mamamayan ng bayang ito, dapat nating sundin ang mga utos ng gobyerno—hanggang sa kahuli-hulihang salita—sa panahon ng COVID-19 quarantine. But we should not stay silent.
Kailangan nating batikusin ang inconsistencies, mga kasinungalingan, kalapastanganan, mga di-natupad na pangako, masamang pananalita, paninira sa katauhan ng iba, unpreparedness, corruption, kabastusan, at kayabangan. Hinahati tayo ng mga ito at pinalalala ang problema.
Kung mananahimik tayo, iisipin ng gobyerno na tama ang lahat ng ginagawa nila. At nagiging kasabwat tayo sa paggawa ng mali.
My personal plea: Sa well-meaning friends natin na nagpapatahimik sa atin, nakikiusap akong gamitin ninyo ang inyong mga boses at hayaan ang iba na gamitin ang sa kanila. Tanungin natin ang gobyerno ng “Bakit?” “Paano?” “Paano kung?” Only through varied voices can we gather the best responses to vanquish this unseen killer.
ð
This response contributed by Grace D. Chong, author of the devotionals, Grace Found Me and Grace at Work and the Oh Mateo! series and other Hiyas children’s books.
This is just one of the many questions that we try to answer and analyze in our FREE EBOOK - What About COVID-19? Why? What Now? What’s Next. You can download the ebook HERE.
To learn more about it, click here.