Bakit nga ba Pas?

man-holding-a-bible-at-his-side-looking-down-a-long-dirt-road-travis-hallmark-760x506-2451246_std.jpg

Bakit nga ba Pas ang tawag namin sa’yo?
Pinaikling pastor, ‘yan ang unang hinala ko.

Pero sa tingin ko may iba pang sagot na maaari dito

Sumasalamin sa pagtingin namin sa mga ginagawa mo.

 

Madalas ka namin kwentuhan ng aming nakaraan

Hindi ka kaya nagsasawa sa paulit-ulit naming tinuturan?

Ah, kaya siguro Pas – mga istoryang “PAST” ikaw ang hingahan

Pagkatapos iyakan, babanatan ng “Pastor, baka may extra ka dyan?”

 

Do things “FAST” – yan ang gusto ng marami na gawin mo

Sa pag-attend sa needs ng miyembro at pagpi-preach sa pulpito

Mapasobra sa oras, lingon na nang lingon sa relo, lalo na pag nasaktan ang ego!

Palagi ka naming minamadali – ang unfair namin sa’yo no?

 

Naikakahon ka namin sa mataas at out-of-this-world na expectations,

Standards that you need to “PASS” para pasado ka rin sa evaluation.

Pero pagdating sa application namin ng iyong mga sermon,

Kahit mabagal ang progress, yung patience mo ramdam ng congregation.

 

Sa kabila ng lahat, pag-ibig mo’y patuloy na nakikita,

Di tumitigil kahit buhok mo’y namumuti na.

Pasaway man kami, hindi ka pa rin nagsasawa

Salamat sa walang patid na patnubay at pagkalinga.

 

Pasensya na po kung minsan di namin alintana

Mga pasaning mabigat na pilit mong kinakaya.

Kulang ang tula at mga salita upang sa iyo’y ipakita,

Na sa buhay namin isa kang tunay na pagpapala.

Ang tulang ito ay sinulat ni Marts Valenzuela, one of the authors of Kaya Ko Pa Bes And Other Lies I Tell Myself, now available at OMF Lit Bookshops, PCBS branches, and shop.omflit.com for P225.

52788293_10216545993474770_674036044127010816_n.jpg

Si Marts ang kuya mong hindi marunong mag-basketball, lumangoy, o humarap nang maayos sa camera. Bukod sa pagtambay sa mga bookstores at mangolekta ng mga libro, mahilig din siya sa sinangag at sinigang. Naging fan din siya ng AlDub at Kalyeserye. Minsan din siyang nangarap na maging rapper. Busy siya ngayon sa discipleship ministry sa church at paglilingkod sa mga pastors and churches ng kaniyang denomination. Kung hindi siya nagbabasa o kumakain, siya ay namumundok, nagbibisikleta o nagsusulat ng mga hugot sa kaniyang blog: www.heartsandhalo.blogspot.com.