5 Lies and Truths About Our Pastors

spiritual-growth-learn-live-love-bible.jpg

Isa sa mga tinuturing kong bestest friends ay aking kapatid na Pastor. Youth Ministry ang naging dahilan kung bakit kami naging close. I can say na may alam ako kung paano nag-iisip at namumuhay ang isang Pastor. Let me share with you 5 lies and truths about our pastors.

Lie #1 : Hindi na ako nakakapag-church baka galit na sa akin si Pastor.

Truth: HIndi galit sayo si Pastor. He actually wants to see you back. Napakalaking encouragement, maging sa buong church, ang makitang nanumubalik ang isang kapatiran.

Lie #2 : Hindi na naman nag-prepare si Pastor ng message. Napaka-boring!

Truth: Hindi madaling mag-prepare ng message. Mapalad pa nga yung mga churches kung nagsasalit-salit ang mga pastor sa pagpi-preach every Worship Service kasi mayroon silang ample time to prepare. Pero kapag nagi-isa lang si Pastor at siya pa palagi ang preacher every sunday, nahihirapan iyan. Kaya highly suggested na ipag-pray natin sila for fresh inspiration from the Lord. Also remember na umaasa lang din sila sa galaw at presensya ng Panginoon. It is not them after all.

Lie #3: Ang pangit pangit ng mga strategy ni Pastor sa pagpapatakbo ng church.

Truth: Bago tayo mag-reklamo sa kanila, tanungin muna natin ang ating mga sarili kung ano na ba ang na-contribute natin sa church? Baka kailangan na din nating mag-step up at tulungan si Pastor.

Lie #4 : Wala talagang paki-alam sa akin si Pastor. Nakakatampo!

Truth: Bago tayo maging tampu-rista, tandaan natin na hindi sila perpekto at hindi 24/7 na nariyan sila para sa atin. Intindihin din natin kung may mas mahalagang bagay na kailangan ng kanilang attention. Hindi rin natin alam na pinagpe-pray talaga nila tayo. One thing na hindi naman palaging sinasabi ng ating mga pastor sa atin.

Lie #5 : Sarap naman maging Pastor, walang masyadong ginagawa.

Truth: Hindi natin alam kung gaano kalaki ang isina-sakripisyo ng mga Pastor para paglingkuran tayo. Marami sa kanila ang nag-give up ng mga trabaho para sundin ang calling ni Lord. Yung iba, by faith talaga ang pagtiwala kay Lord para sa day-by-day provision. HIndi biro ‘yan ah. Our Pastors deserve our respect. Bago natin punahin ang mga ginagawa at hindi nagagawa ni Pastor, ipag-pray at tumulong muna tayo. We are part of the Body after all. Let us encourage them at share our joys and blessings with them.

This post was written by Rigel Fortaleza, author of Kase Hindi Ako Ganun Kaganda and co-author of Kaya Ko Pa Bes, both available at OMF Lit Bookshops, PCBS, and our online store, shop.omflit.com.

Rigel.jpg

Hilig ni Rigel ang pa-morningang chika with friends. Simula high school, hilig na niya ang magsulat ng mga letters para sa kaniyang mga BFFs. NBSB siya for 29 years, hanggang magka-BF siya ilang buwan matapos maipublish ang libro niyang Kasi Hindi Ako Ganun Kaganda  Follow her Facebook Page: Clueless Youth Leader.