Sana All, Pastor
Mabigat na posisyon ang maging pastor, pero mas mabigat ang responsibilidad na binigay sa kanila ni Lord para pamahalaan ang kanyang ministeryo dito sa Earth. Hindi man laging naririnig every Sunday Service ang pasasalamat mula sa mga miyembro, nagpapatuloy pa rin sila dahil alam nila na may joy sa paglilingkod kay Lord. Mula sa kaibuturan ng aking puso, hayaan niyo akong pasalamatan ang mga pastors ng ating buhay:
• Thank you Pastors, sa mga panahong nakikinig kayo sa aming mga stories at challenges sa buhay. Kayo din mismo ay may pinagdaraanan, pero uunahin niyo ang magbigay ng time para ipagdasal kami at dalawin kami sa aming mga tahanan. Sana all.
• Thank you Pastors, sa mga panahong ine-encourage niyo kami na bumalik kay Lord. Kayo din mismo ay napapagod, pero nagpapatuloy kayo at nagiging testimony sa amin na buhay ang Diyos at di Niya kami pababayaan. Sana all.
• Thank you Pastors, sa mga panahong kinailangan namin kayo bilang aming Ama/Ina kahit labas na iyon sa job description niyo. Kayo din mismo ay may sariling pamilya, pero sisiguraduhin ninyong gaya nila, kami rin ay safe at may makakain sa araw-araw. Sana all.
• Thank you Pastors, sa mga panahong naaabala namin kayo sa inyong personal at family time. Kayo din mismo ay may sariling buhay na tila aming nakakalimutan, pero sinasagot niyo pa rin ang tawag namin sa gabi o pinagbubuksan niyo pa din kami ng pinto tuwing umaga kapag may emergency. Sana all.
• Thank you Pastors, sa mga panahong tinatanggap ninyo kami kahit lahat ng tao ay ni-reject na kami. Kayo din mismo ay nagagawan namin ng pagkakasala, pero patuloy niyo kaming minamahal gaya ng love ni Lord. Sana all.
Sana all hindi nakikita ang “pero” sa pagmamahal at paglilingkod kay Lord at sa tao.
- Larizza Dulay
Super fan si Larizza ni Iron Man, at ng KDrama and movies. May special space sa puso niya si Spongebob Squarepants. Kasalukuyan siyang Youth/Young Adults Minister/Leader/Sunday School Teacher/Finance and Administration Coordinator sa Newlife–Tanza. She works for one of the largest banks in the Philippines as an auditor. Maaari ninyo siyang i-email sa dulaylarizza@gmail.com o i-follow sa kaniyang blog: larizzadulay@wordpress.com, o makausap sa kaniyang Facebook Page: facebook.com/captivating143.
She is one of the authors of Kaya Ko Pa Bes, a Taglish weekly devotional now available at OMF Lit Bookshops and our online store, shop.omflit.com for P225.
Kaya pa, Bes?
Mula pagpasok sa school hanggang pag-uwi ng bahay, ang daming challenges, ’no? Nakaka-stress!
Hinga muna!
Ang 52 weekly devotions na ito ay sinulat para ma-recharge at ma-encourage ka. May weekly challenges din na pang-develop ng character mo. Through these, you can get close to Him who gives true strength and inner peace. So when the struggle is real, masasabi mong,
Kaya ko pa, Bes!