Salamat, Pastor because you are a P-A-S-T-O-R
Passionate in loving God
Ang pagmamahal sa Diyos ang dahilan kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ginagawa mo para sa iglesya. Hindi madali ang maging ama ng isang pamilya, ano pa kaya ang maging “Tatay” ng isang church. Salamat Pastor, dahil mahal mo si Lord at bunga ng pag-ibig mo sa Kanya, minamahal mo rin kami.
Authentic
Hindi ka mapagpanggap. To be vulnerable at the front of many people is difficult.
Gusto ko pong malaman mo that I appreciate it every time you share a part of your life, lalo na ang personal struggles sa past and present. You have your own share of muds from the past na napagtagumpayan mo. It encourages me na magpatuloy dahil nagtagumapay at kakayanin ko din anuman ang kinakaharap at haharapin ko by faith in Him.
Servant Leader
Ayaw mong pinaglilingkuran, mas gusto mong ikaw ang naglilingkod. Never ka nagdemand ng special treatment, dahil para sa’yo lahat tayo sa loob ng iglesya ay pantay-pantay na anak ng Diyos. Hindi ko na po iisa-isahin pa ang lahat ng ginagawa mo, pero nakikita ko po lahat at lubos po akong nagpapasalamat.
Tough Lover
You value the truth of the Word of God more than anything else. Dahil mahal mo ang Diyos at mahal mo kami, itinuturo mo sa amin ang katotohanan ng Biblia kahit alam mong masasaktan kami. Kapag sinabi mong “fasten your seat bealts” alam na namin that you will teach us something that might hurt our ego but will surely heal our sinful hearts.
Optimistic
You always perceive things according to who God is. Sinubok at sinusubok po ang ating iglesya pero hindi ka namin naringgan ng reklamo sa kung anong ginagawa ni Lord. You trust Him for who He is kaya you stood firm and stayed with us hanggang ngayon.
Responsible
Hindi mo po kami pinapabayaan gaya ng pag-aalaga mo sa sarili mong pamilya. Salamat pastor, dahil tinanggap mo ang responsibilidad bilang aming spirtual father. Hindi obligasyon para sa iyo ang pakainin at paglingkuran kami, ito ay ginagawa mo ng may kagalakan.
Salamat, Pastor because you are a P-A-S-T-O-R.
This was written by Kerlyn Bobadilla, one of the authors of Kaya Ko Pa Bes: A Devotional
Si Kerlyn, a.k.a. MamaKerl ng Lovestruck Movement, ay fan ni Kim Bok Joo. Iyon lang kasi ang Kdrama na sinimulan at natapos niya. Favorite anime niya ang Heidi, Judy Abbott, Remi, at Dog of Flanders. She enjoys watching old anime with her daughters, Ichi and Amika. MamaKerl is a tough lover. Hindi siya palasabi ng “I love you” but she shows her love through actions. When she loves people, you’ll know it’s true.
She is one of the authors of Kaya Ko Pa Bes, a Taglish weekly devotional now available at OMF Lit Bookshops and our online store, shop.omflit.com for P225.
Kaya pa, Bes?
Mula pagpasok sa school hanggang pag-uwi ng bahay, ang daming challenges, ’no? Nakaka-stress!
Hinga muna!
Ang 52 weekly devotions na ito ay sinulat para ma-recharge at ma-encourage ka. May weekly challenges din na pang-develop ng character mo. Through these, you can get close to Him who gives true strength and inner peace. So when the struggle is real, masasabi mong,
Kaya ko pa, Bes!