Very Good!
May high school classmate akong nagsabi na wala akong maipagmamalaki. May mga kamag-anak din na nagsabing huwag na lang daw akong pag-aralin dahil wala namang mapapala sa akin. Sa loob ng ilang taon, inakala kong totoo ang mga masasakit na salitang sinabi nila.
Marami sa atin ang nakakarinig ng mga masasakit na salita, minsan mula pa sa mga taong akala natin ay ating kakampi. Pabiro man o hindi, ang mga salitang ito ay sumusugat at nagmamarka sa ating kaluluwa.
Kung bagsak ang self-worth mo dahil sa naririnig mo sa iba, may gustong sabihin sa ’yo ang Biblia:
1. You are God’s handiwork. Isa kang masterpiece ng isang malikhaing Diyos! Ibig sabihin, special ka! Nang nilikha Niya ang sangkatauhan, nagbigay ito sa Kanya ng lubos na kaligayahan (Proverbs 8:31).
2. You were created to do good works. Nilikha ka for a purpose. To be “good” is to be useful, excellent, and honorable. Hindi ka pabigat o walang kuwenta. Ang anumang ginagawa mo for the Lord ay kapaki-pakinabang.
3. Your purpose was prepared in advance. Ang bahagi mo sa kaharian ng Diyos ay handpicked. Walang “bahala na” sa vocabulary ng Diyos. Ang iyong skills and talents ay sadyang ibinigay para magamit mo for His glory.
Kung hindi ko nakilala ang Panginoon, marahil tinanggap ko na lang na wala akong kuwenta kagaya ng sinasabi nila. Ngunit dahil mas pinili kong pakinggan ang tinig ng tunay na nagmamahal sa akin, nakita ko ang worth ko. Niyakap ko ang idea na very good ako. Ikaw, kaninong boses ang pinakikinggan mo?
Salamat po, Lord, dahil Ikaw ang nakakaalam ng tunay kong layunin at halaga. Ipaalala Mo po ito sa akin sa tuwing nakararamdam ako ng self-pity at worthlessness. Amen.
Saan ka magaling? Sa paggawa ng tula? Pag-compose o pag-cover ng kanta? Paggawa ng calligraphy? Sa photography o pag-edit ng video? Anuman ang talento o skill mo, i-post/upload mo this week ang iyong output bilang pasasalamat at worship mo sa Kanya.
Ano’ng naramdaman mo habang ginagawa ang bagay na “very good” ka? What does it tell you about the character of God?
This is an entry by Marts Valenzuela from G! Devotional Para Sa Mga Ganap Natin Sa Buhay. This devotional is available at OMF Lit Bookshops and shop.omflit.com for P250.
G! Devotional para sa mga ganap natin sa buhay is a weekly devotional written by six millennial writers for GenZers. The book is filled with God’s Word and life lessons perfect for this day and age. Each entry has a short reflection, prayer, and a weekly challenge to help readers reflect and build their character.
Marami ka bang dapat pag-isipan, pagdesisyunan, at gawin? Sa dami ng mga nangyayari every day, may time ka pa bang huminga o no-chill na? Back to normal man o new normal, these 52 weekly devotions (+ 2 bonus devos!) will help you find strength and rest in the Lord. May weekly challenges din to help you reflect and build your character para tuloy-tuloy ang level-up. Anuman ang pinagdadaanan mo, sa tulong ng Diyos, keri mo ’to! Kahit maraming ganap, G ka pa rin!