Kabilang Side ng Kwento
Basahin: Job 1, 2, 42
Kung meron mang tao sa Bible na nakaranas ng sunod-sunod na sakuna sa personal life nya, si Job yun. Nawala lahat ng ari-arian nya, at namatay ang mga alipin at mga anak nya sa loob ng isang araw. Hindi nagtagal, nagkaroon pa ng painful sores ang buong katawan nya. And yet, never nyang sinisi ang Diyos ( Job 1:21).
Sa gitna ng physical, emotional, at mental na kaguluhang naranasan nya, pinilit sya ng asawa nya na isumpa ang Diyos at mamatay ( Job 2:9). Hindi nya yun ginawa pero nag-demand sya ng explanation sa Diyos ( Job 13:3, 15). Bilang sagot, nag-present din ang Diyos ng maraming tanong ( Job 38). Hindi nakuha ni Job ang sagot na gusto nyang marinig, pero na-encounter nya ang power at kadakilaan ng Diyos. In the end, tinanggap nya na tapat at mabuti pa rin ang Diyos sa situation nya, kahit hindi nya fully naiintindihan ang mga nangyari sa kanya ( Job 42:1–3).
Hindi natin kayang magpaliwanag para sa Diyos kasi sya’y napakayaman, napakatalino, at napakagaling (Romans 11:33–34). Higit pa sa kakayahan ng tao ang mga paraan at kaisipan nya (Isaiah 55:8–9), at may sarili syang timetable sa lahat ng bagay (Ecclesiastes 3:1, 11). Dahil limited ang kayang maintindihan ng tao, hirap tayong tanggapin na may mas malaking purpose ang Diyos sa mga paghihirap na nararanasan natin.
Anuman ang pinagdadaanan natin, wag sana tayo ma-tempt na isumpa ang Diyos. Ma-encourage tayo sa truth na ang Diyos lang ang nakakaalam ng buong kwento. Gaya ni Job, hanapin natin ang katapatan, kabutihan, at karunungan ng Diyos sa mga pagsubok natin. Sa process, magkakaroon tayo at ang mga tao sa paligid natin ng opportunities para mas makilala pa ang Diyos.
Dear Jesus, bigyan nyo po ako ng tapang na harapin ang mga pagsubok ng buhay ko, at ng humility na i-acknowledge ang katapatan at kabutihan nyo sa lahat ng oras. Amen.
Sa tingin mo, bakit madalas hindi ina-allow ng Diyos na malaman ang backstories at plot twists ng mga pinagdadaanan mo?
This is an entry by Dawn Moran Castro from Pinoy Devotional: Ang Ka Partner Na Devo ng Ang Bible: Pinoy Version is available at OMF Lit Bookshops and shop.omflit.com for P350.
Naghahanap ka ba ng practical pero deep na devotional in Taglish? Ang PINOY DEVOTIONAL ang para sayo!
With 365 reflections na relatable, in-touch sa mga ganap nating Pinoy ngayon, at puno ng pag-asa, ito ang perfect partner ng ANG BIBLE: PINOY VERSION. Sa bawat page, makakahanap ka ng Bible verses, prayers, at action points na makakatulong sayong harapin ang mga hamon ng araw-araw.
Kino-cover ng devotional na ito ang ibat-ibang topics, tulad ng:
Ang faithfulness ni Lord
Pagiging new creation kay Cristo
Paano magdasal at mag-worship
Ang will ni Lord para sayong buhay
Mga aral mula sa Psalms and Proverbs
Mga miracles ni Jesus
at marami pang iba!
Tara, simulan mo na ang iyong journey tungo sa true faith na magpapalakas sayong puso!
With reflections by
Kerlyn Bobadilla
Prexy Calvario
Dawn Moran Castro
Jasmin Crismo
Hazel Joy Crizaldo
Ru dela Torre
Larizza Dulay
Rigel Fortaleza
Junette B. Galagala-Nacion
Xaris Hope Tamayo
Fraffee Tan
Marian Erika Terredaño
Marts Valenzuela