Called To Be An Ananias
Lord: “Pumunta ka sa bahay ni Judas on Straight Street. Hanapin mo doon si Saul. Nagdarasal siya at nakita ka niya sa vision na dumating ka at ipinatong ang kamay mo sa kanya at muli siyang nakakita.”
Ananias: “Lord, ang dami kong narinig na hindi maganda tungkol sa kanya. Napakasama ng plano niya sa mga sumusunod sa Iyo. May dala pa siyang permit galing sa High Priest para arestuhin ang mga kapatiran dito.”
Lord: “Puntahan mo siya! Pinili ko siya para ipakilala ang pangalan Ko sa mga hindi Hudyo.”
Despite his doubts and fears, Ananias obeyed God and believed His purpose for Saul’s life. Pinuntahan niya si Saul at ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniya. Nakakita muli si Saul at napuspos ng Banal na Espiritu.
Madaming ‘Saul’ sa mundo. Ang ilan, nariyan lang sa tabi mo: iyong Papa mong babaero, Mama mong walang panahon sa iyo, Ate mong laging mainit ang ulo, at iyong bully sa classroom ninyo. Sa sobrang sama ng tingin mo sa ginagawa nila, you consider them beyond salvation. That they don’t deserve grace. Gaya ng doubts ni Ananias noong inutusan siya ni Lord. He looked at Saul according to his present condition, but God looked at him according to His purpose.
I encourage you not to focus on people’s flaws but to focus on God’s power to save them (Matthew 19:26). Hindi mo man alam ang plano or calling ni Lord sa buhay ng mga taong nasa paligid mo, as Christ’s follower, you are called to be an Ananias—to be a channel of God’s grace.
“Lord, bigyan Mo ako ng mata na titingnan ang iba kung paano Mo sila nakikita. Amen.”
This is an excerpt by Kerlyn Bobadilla from Kaya Ko Pa Bes, available at OMF Lit Bookshops, shop.omflit.com, Shopee, and Lazada for P225.
Kaya pa, Bes?
Mula pagpasok sa school hanggang pag-uwi ng bahay, ang daming challenges, ’no? Nakaka-stress!
Hinga muna!
Ang 52 weekly devotions na ito ay sinulat para ma-recharge at ma-encourage ka. May weekly challenges din na pang-develop ng character mo. Through these, you can get close to Him who gives true strength and inner peace. So when the struggle is real, masasabi mong,
Kaya ko pa, Bes!
Contributors:
Kerlyn Bobadilla
Larizza Dulay
Manuel Zabat II
Marts Valenzuela
Rigel Fortaleza
Editor: Ronald Molmisa