Panalangin Sa Gitna ng COVID-19
Dakilang Diyos na Makapangyarihan sa lahat;
Diyos na lumikha ng Langit at Lupa—
Lumalapit kami sa Iyo para sa aming bayang Pilipinas, sa gitna ng panganib ng COVID-19 na wala pang lunas.
Pinupuri Ka namin dahil hindi Ka natutulog.
Binabantayan Mo ang Sambayanang Pilipino sa panahong ito ng matinding peligro.
Ang aming tulong ay sa Iyo lang nagmumula.
Tumatangis kami sa Iyo at humihingi ng awa.
Iligtas Mo po kami sa panganib na ito.
Ikaw lamang ang aming kanlungan;
Sa Iyo ang tiyak na kaligtasan.
Iligtas Mo kami sa nakamamatay na COVID-19.
Ipagsanggalang ang aming Bayan mula sa bitag ng karamdaman.
Bigyan Mo ng karunungan at pagkaunawa ang aming Pangulo at ang lahat ng sa ami’y naglilingkod at namamahala.
Gabayan Mo sila sa pagbuo ng mga patnubay, stratehiya, at pagkilos sa pagpupunyaging ang COVID-19 ay mapuksang lubos.
Pangunahan Mo ang mga pulis at mga sundalo upang mangibabaw ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan.
Bigyan Mo ng kalakasan at kakayahan ang mga manggagamot
at mga naglilingkod sa pagkalinga sa mga maysakit at natatakot,
at sa pagpapanatili sa karamihan na malakas at ligtas sa salot.
Gabayan Mo at pangunahan ang mga siyentipiko, upang mabilis nilang mahanap ang lunas sa peligrong ito.
Sa panahong ito ng krisis, tulungan Mo kaming maging mahinahon, at huwag matakot.
Sapagkat ang takot ay hindi mula sa Iyo.
Ipinagkaloob Mo sa amin ang pananampalataya, ang pag-asa, at pag-ibig.
Binigyan Mo kami ng wastong pag-iisip at kakayahang kumilos nang maayos.
Ayon sa Iyong Banal na Salita, “Binibigyan Mo ng lubos na kapayapaan ang mga taong sa Iyo’y tumatalima at nagtitiwala.”
Panalangin namin sa gitna nitong pandemic ng COVID-19:
Pagkaisahin Mo sa Iyong pag-ibig ang Sambayanang Pilipino.
Buklurin Mo kami sa kapayapaang sa Iyo lamang nagmumula.
Ipagkaloob Mo sa amin ang tunay na pag-asa.
Pagalingin Mo nawa ang hidwaaan sa aming Bayan.
At igawad Mo sa amin ang Iyong biyaya at kalakasan.
Ito’y aming dalangin nang may lubos na pagtitiwala,
Kay Jesu-Cristo na ating Panginoon na Tagapagligtas.
Amen.
Bishop Efraim M. Tendero
Secretary General
World Evangelical Alliance
This prayer is part of our FREE EBOOK, What About Covid-19? Why? What Now? What’s Next? You can download the free ebook HERE.
“May hope pa ba? Paano magiging hopeful sa panahong ito ng pandemic?”
“I feel so helpless. Paano ako mananalangin sa panahong ito? May effect pa ba ang prayers? Parang wala naman.”
“Anong maaari kong gawin to protect my mental health and the mental health of my family?”
“Bakit inallow ng Diyos ang COVID-19? Parusa ba Niya ito sa atin?”
COVID-19 has brought uncertainty at anxiety sa buhay natin. As we all confront the threat of the virus, we also struggle with tough questions.
OMF Literature, together with our contributing authors, brings you What About Covid-19? Why? What Now? Whtat’s Next? May you find in this little book honest answers, kind words of hope, and gentle companionship.
The booklet features contributions from these respected writers who are keen observers of the times:
Efraim Tendero
Grace D. Chong
Joyce Piap Go
Jun Gonzaga
Nelson T. DY
Nomer Bernardino
Nor Aquino Gonzales
Federico Villanueva
Ronald C. Molmisa
To get your free copy of the ebook, click here.
For more information about the ebook, click here.
It is our prayer that this book reaches the hands of many Filipinos as we all need to uplift, encourage and care for one another at this time. Hence, we are looking for like-minded individuals and organizations who are willing to support our book production for mass distribution. We aim to produce at least 20,000 copies to be distributed for FREE to Filipinos nationwide and abroad. Would you consider partnering with us in spreading the message of God’shope in this book? You may also sponsor copies for your organization’s free distribution. If you want to partner with us, please email us at whataboutcovid19@omflit.com.