As you wait...(advice for singles)

The single life is not necessarily better or worse than married life, only different. Anuman ang relationship status mo, may magandang plano ang Diyos para sa iyo. Maraming bagay ang magagawa ng isang single na hindi na kayang gawin ng may-asawa o may-pamilya. Stop blaming yourself kung bakit ka single. At huwag na huwag maiinip sa paghihintay. Kung nasa plano ng Diyos na makapag-asawa ka, ang isang
magandang love story ay isasakatuparan Niya at the right time. Lalo na kung hinahayaan mong si Lord ang maging Scriptwriter at Director ng buhay mo.

Maximize your freedom
Habang single, enjoy life. Dahil kapag uugodugod ka na, hindi mo na magagawa ang maraming adventures ng buhay. Mag-enrol sa graduate school, travel to different places, get involved in worthwhile socio-civic activities, among others. Develop healthy relationships apart from marriage. Marami akong kaibigan na fulfilled sa kanilang buhay kahit walang asawa. Natutunan kasi nila na maging malapit sa mga kaibigan at kamag-anak. Ipakita sa iba na masaya ang maging single; na hindi mo kailangan ng partner para masabing makulay ang buhay. Marriage is not the only remedy to loneliness, nor is it the whole purpose of life.

Develop your personality
Your identity should be complete before you enter into a relationship. kung gagawin mong dahilan ang pakikipagrelasyon para mabuo ang pagkatao mo, masasanay kang umaasa sa iba para lumigaya. Kaya, ang marami, kapag iniwan ng BF/GF, halos magunaw ang mundo dahil isinandal sa ka-partner ang kaligayahan. Hone your skills and talents. Men and women are attracted to the member of the opposite sex who is talented. Build your self-confidence. Maraming naiinip kasi walang pinagkakaabalahan sa buhay. Their energies are so focused on imagining how life will be better if they get married. Other things in their life seem dull. You should never be consumed by the idea that you need a woman/man in your life to feel complete.

Have an accountability group
Huwag mong isiping nag-iisa ka sa iyong struggle. Marami kayo. Hindi magiging malalamig ang Pasko at Valentine’s Day mo kung marami kayong nagkakaisa at nagtutulungan. If you feel helpless, help other people. Nakakagaan ng feeling. You are not called to be grumpy everyday. Celebrate your singlehood with others.

Pursue purity
Katulad ng ibang spiritual disciplines, singles must know how to abstain from sexual activities. Iwasan ang panonood ng pornorgraphic films na magpupukaw ng malalaswang damdamin. Iwasang makipag-flirt sa opposite sex. Ibuhos ang panahon sa mga bagay na maglalayo sa iyo sa mga sexual thoughts. More importantly, ask God to sustain and provide for you. When God saw that Adam was lonely, ibinigay Niya si eba. God knows your deepest frustrations and struggles.

Never compare yourself with others
May iba kang tinatahak na landas sa buhay. Kung naka-focus ang paningin mo sa iba, lagi kang madidismaya dahil laging may makakalampas sa achievements, performance at kagandahan/ kaguwapuhan mo. This can lead to jealousy and envy. See yourself as God sees you. May unique purpose ang Diyos para sa iyo and He will surely fulfill His plans for your life according to His timetable.

Find your happiness in the Lord
Kailangang hanapin natin ang tunay na kaligayahan sa Panginoon na Siyang unang nagmahal sa atin. Siya lang ang tanging makakapagsabi sa iyo, “Hindi kita kailanman iiwan o pababayaan.” Sapat ang pag-ibig ni Lord. Sa kanya , siguradong walang heartbreak.

The Psalmist wrote, “Delight yourself in the Lord and He will give you the desires of your heart.” Let Him fill the hole in your heart that you think can only be filled by a significant other. Kung nasubukan mo nang kumonsulta sa mga radio DJs, psychologists at love gurus, subukan mo namang lumapit sa pinagmumulan ng tunay na pag-ibig. If God is all you have, you have everything you need.

=====================

This is an excerpt from Lovestruck: Singles Edition by Ronald C. Molmisa. This book is available at OMF Lit Bookshops, shop.omflit.com, Shopee, and Lazada for P125.

About the book:

Lovestruck is the popular and informative series on romantic love and relationships. Topics include how to be ready for relationships, sex, and preparing for marriage. A must-have series for young people.

"Gradweyt na ako sa puppy love!" Feeling mo mature ka na kaya di ka na basta-basta mabo-brokenhearted. Nakakailang MU ka na pero bakit hindi pa rin natutuloy sa totohanang relasyon? Pray ka nang pray para sa one true love mo pero paano kung napunta siya sa iba? The best-selling author of Lovestruck and Pass or Fail is back and this time, Ronald Molmisa will have a heart to heart talk with the young and single. Using the same wit, humor and wisdom in a language that young people can relate to, Kuya Ronald discusses relevant topics for the sensationally single.