Linisin Ang Kalat Sa Puso
Basahin: Psalm 51:10
Naranasan mo na ba yung pumasok ka sa room mo tapos napakaraming kalat? Stressful di ba? Yung tinatry mong maging productive pero dahil napakaraming clutter, hindi ka makapag-concentrate. Medyo nakaka-stress. Nakakawala ng focus at medyo nakakainis. This is why it is so important to clear the clutter.
Hindi lang ito applicable sa kwarto, sa office table, or sasakyan. Dapat din itong i-apply sa ating puso. Sabi kasi ng Bible, we need to guard our hearts dahil lahat ng ginagawa natin ay nagfo-flow mula rito.
Here are three things na pwede nating i-consider para mabawasan ang kalat ng ating puso.
1. Bitterness and unforgiveness. Ito ay isang kalat na dapat tanggalin sa ating mga puso. Yung mga binabalik-balikan mo yung mga times na sinaktan ka ng isang tao o sitwasyon. Kailangang hindi mag-focus dito. Remember, yung mga pangako ni Lord for your future ay mas malaki at maganda kaysa sa mga pains in the past. So huwag maging bitter. Instead, matutong mag-let go and be better.
2. Worries and fear for your future. Ito ay mga kalat din sa puso. Nakakapagod. Nakakabigat. At nakaka-paralyze. Sa totoo lang, wala naman tayong control sa future. Hindi naman natin alam lahat ang mangyayari. Instead of fear, choose faith. God is in control.
3. Sin. Ito ang pinakamatinding kalat na kailangan nating i-eliminate. Hindi maaayos ang puso pag may sin itong inaalagaan. Walang peace pag may sin. So let it go.
Ang susi talaga ay heart-check every day. Always come to God with a heart that is surrendered to him. Magpabago tayo sa kanya araw-araw. When we do this, our hearts will be free from clutter. Magiging malinis ito, masaya, at walang inaalala.
Lord, i-search nyo po ang aking puso. Kung may mga bagay na nakaka-offend sayo, sabihin nyo ito sa akin. Ako po ay nagpapakumbaba at handang magpabago. Amen.
Para ma-guard ang iyong heart, piliing mabuti ang iyong mga nakakasama, mga pinapanood at binabasa. Spend more time with God at magbasa ng Biblia.
This is an entry by Ru Dela Torre from Pinoy Devotional, available at OMF Lit Bookshops and shop.omflit.com for P350.
Naghahanap ka ba ng practical pero deep na devotional in Taglish? Ang PINOY DEVOTIONAL ang para sayo!
With 365 reflections na relatable, in-touch sa mga ganap nating Pinoy ngayon, at puno ng pag-asa, ito ang perfect partner ng ANG BIBLE: PINOY VERSION. Sa bawat page, makakahanap ka ng Bible verses, prayers, at action points na makakatulong sayong harapin ang mga hamon ng araw-araw.
Kino-cover ng devotional na ito ang ibat-ibang topics, tulad ng:
Ang faithfulness ni Lord
Pagiging new creation kay Cristo
Paano magdasal at mag-worship
Ang will ni Lord para sayong buhay
Mga aral mula sa Psalms and Proverbs
Mga miracles ni Jesus
at marami pang iba!
Tara, simulan mo na ang iyong journey tungo sa true faith na magpapalakas sayong puso!
With reflections by
Kerlyn Bobadilla
Prexy Calvario
Dawn Moran Castro
Jasmin Crismo
Hazel Joy Crizaldo
Ru dela Torre
Larizza Dulay
Rigel Fortaleza
Junette B. Galagala-Nacion
Xaris Hope Tamayo
Fraffee Tan
Marian Erika Terredaño
Marts Valenzuela