Day 3 Christmas Good News: Tamang Timing
Bakit nga ba kapag estudyante ka, gusto mong grumaduate agad? Kapag nakatapos ka na, gusto mong magkatrabaho agad. At kapag kumikita ka na, looking forward ka naman sa salary raise.
Bakit kaya ang ibang single, gustong pumasok agad sa relationship? Kapag may boyfriend/girlfriend na, sinasabing “Sana siya na!” dahil gusto nang mag-asawa at bumuo ng pamilya. Bakit natin gustong tumalon agad sa next chapter ng buhay?
May tendency tayong magmadali dahil sa ating desires. “I want to be loved,” kaya gusto nang makipagrelasyon kahit hindi pa time.
“I want to be rich,” kaya gusto nang magkaroon ng income. “I want more influence in my workplace,” kaya gustong ma-promote. Wala namang masama na maghangad ng magagandang bagay at humingi ng blessings kay Lord. Tandaan lang natin na tinutupad ito ni Lord sa tamang timing.
May iba’t ibang season ang ating buhay. May season para maging baby. May season para maging bata, teenager, adult, and so on. Ang bawat aspeto ng buhay natin — love life, career, physical, at spiritual ay mayroon ding stages. Dinisenyo ito ng ating Creator for us to grow well at para matuto tayong magtiwala sa Kanya every step of the way.
Tanungin natin ang ating sarili kung anong desires sa puso natin ang nagpu-push sa atin para magmadali. Handa ka na ba talaga? O baka naman kailangan mo munang i-surrender kay Lord ang desires na iyan.
Lord, tulungan Mo po akong siyasatin ang bawat desire ng puso ko. Tulungan Mo po akong magtiwala at maghintay sa tamang timing Mo. Amen.
I-drawing ang isang bagay na gustong-gusto mo. Seek the Lord in prayer para malaman kung bakit hindi mo pa ito nakukuha. Isulat din ang mga magagandang bagay na present sa buhay mo ngayon na puwede mong i-enjoy habang wala pa ang bagay na gusto mo.
This is an excerpt from G! Devotional Para Sa Mga Ganap Natin Sa Buhay, available at OMF Lit Bookshops, shop.omflit.com, Shopee, and Lazada for P250.
G! Devotional Para Sa Mga Ganap Natin Sa Buhay
By Kerlyn Bobadilla, Larizza Dulay, Manuel Zabat II, Marian Erika Terredano, Marts Valenzuela, and Rigel Fortaleza-Evangelista
G! Devotional para sa mga ganap natin sa buhay is a weekly devotional written by six millennial writers for GenZers. The book is filled with God’s Word and life lessons perfect for this day and age. Each entry has a short reflection, prayer, and a weekly challenge to help readers reflect and build their character.
Marami ka bang dapat pag-isipan, pagdesisyunan, at gawin? Sa dami ng mga nangyayari every day, may time ka pa bang huminga o no-chill na? Back to normal man o new normal, these 52 weekly devotions (+ 2 bonus devos!) will help you find strength and rest in the Lord. May weekly challenges din to help you reflect and build your character para tuloy-tuloy ang level-up. Anuman ang pinagdadaanan mo, sa tulong ng Diyos, keri mo ’to! Kahit maraming ganap, G ka pa rin!