DAY 21 CHRISTMAS GOOD NEWS: WE LOVE BECAUSE HE FIRST LOVED US

Bakit?

Walang taong hindi marunong magmahal. Maging ikaw ay marunong mag-express ng pag-ibig. Pero kung tatanungin ka kung bakit ka nagmamahal, ano’ng isasagot mo? 

“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? O, kailangan mo ako kaya mahal mo ako?” – Claudine Baretto (Milan

“Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahal mo ako because that is what I deserve.” – Kathryn Bernardo (Barcelona: A Love Untold)

Katulad ng mga linyahan sa pelikula, nagmamahal ang characters dahil kailangan nila ang partners nila o kaya naman ay nauna na silang mahalin ng mga ito. Sa iba, mahal nila ang partner nila dahil pinapasaya sila nito. Walang mali sa mga sinabi nila. Ang concern lang ay ito: Kapag nawala na ang rason sa pagmamahal na ibinibigay natin, malamang titigil na rin tayong mahalin sila.

Binibigyan ba natin ng kondisyon ang pagmamahal natin sa iba? O mayroon tayong nag-uumapaw na pag-ibig sa ating puso kaya nakakayanan nating mahalin sila? Ang motibo mo sa pag-ibig ang magdidikta kung magtatagal ito o hindi.

Mahalaga ang sagot mo sa tanong na “Bakit?” sa panahong nasasaktan ka sa relasyon. It shall give you purpose and direction para sa pagmamahal na ibinibigay mo sa iba. Ito rin ang magbibigay sa iyo ng encouragement para magpatuloy at palaguin ang love na meron ka. Una tayong minahal ng Diyos kaya mayroong tayong kakayahan na magbigay rin ng pagmamahal sa iba. 

Lord, salamat sa pag-ibig Mo sa akin. Dahil dito, gamitin Mo akong daluyan ng Iyong pagmamahal sa iba. Amen. 

This is an excerpt from G! Devotional Para Sa Mga Ganap Natin Sa Buhay, available at OMF Lit Bookshops, shop.omflit.com, Shopee, and Lazada for P250.

G! Devotional Para Sa Mga Ganap Natin Sa Buhay

By Kerlyn Bobadilla, Larizza Dulay, Manuel Zabat II, Marian Erika Terredano, Marts Valenzuela, and Rigel Fortaleza-Evangelista

G! Devotional para sa mga ganap natin sa buhay is a weekly devotional written by six millennial writers for GenZers. The book is filled with God’s Word and life lessons perfect for this day and age. Each entry has a short reflection, prayer, and a weekly challenge to help readers reflect and build their character.

Marami ka bang dapat pag-isipan, pagdesisyunan, at gawin? Sa dami ng mga nangyayari every day, may time ka pa bang huminga o no-chill na? Back to normal man o new normal, these 52 weekly devotions (+ 2 bonus devos!) will help you find strength and rest in the Lord. May weekly challenges din to help you reflect and build your character para tuloy-tuloy ang level-up. Anuman ang pinagdadaanan mo, sa tulong ng Diyos, keri mo ’to! Kahit maraming ganap, G ka pa rin!