When You Have Little Faith Left

1594027275030_verse_image.jpg

The little faith that I have, malapit nang mawala dahil sa uncertainty na dala ng COVID-19. May reason pa bang magtiwala sa Diyos?

I hear you. Habang sinusulat ko ito, hindi pa alam kung kailan o paano matatapos ang pandemic na ito. Sa ngayon, sumasakit na ang mga bulsa. Kine-cremate na ang mga bangkay. Nagdurusa ang mga bansa. Sa mga no-work, no-pay, may nagsasabing papatayin muna sila ng gutom bago sila mapatay ng coronavirus. Hands down, “uncertainty” ang understatement of the year, o ng decade pa siguro.

Iyan ang uri ng stress na nakakadurog ng faith. Sasagutin ba ng Diyos ang prayers natin? Nakikinig ba Siya? May kilala akong mag-asawa na naospital dahil may COVID-19 symptoms sila. Dumaan ang babae sa apat na test bago siya na-certify na recovered. Pero ang lalaki ay lumala nang lumala. Kinailangan siyang bigyan ng ventilation at dialysis. Namatay siya sa ICU.

Ako na ba ang susunod? Ang asawa ko? Ikaw na ba ang susunod?

Baka masagot ng kuwentong ito ang tanong mo.[1]

May tatay na nagmakaawa kay Jesus na tulungan siya. Ang kanyang anak ay sinapian ng masamang espiritu. “Kapag inaatake po sya ng masamang espiritu, natutumba sya at bumubula ang bibig nya. Sobra syang pinapahirapan, naninigas ang katawan pati bibig nya . . . Madalas po syang hinahagis ng masamang espiritu sa tubig, minsan po sa apoy, para patayin sya. Maawa po kayo. Kung may magagawa kayo, tulungan nyo po kami!”

Sumagot si Jesus, “Bakit mo sinabing, ‘Kung may magagawa ako?’ Posible ang lahat para sa taong naniniwala.”

Sumigaw agad ang tatay at sinabing, “Naniniwala po ako. Pero palakasin nyo pa ang faith ko!”

Hindi lang kaunti ang faith ng tatay. Hindi na siya sigurado kung naniniwala siya o hindi. Maaaring maraming beses na siyang nabigo kaya hindi na niya kakayanin kung siya ay magtiwala at mabigo muli.

Napansin mo bang hindi pinagalitan ni Jesus ang tatay dahil hindi ito gaanong naniniwala? Hindi rin Niya sinabi na kailangang humugot ang tatay ng lakas ng loob para magpakita ng sapat na faith bago Niya ibigay ang hinihiling nito. Rather, kinilala Niya ang gaano mang kaliit na faith ng tatay at pinalayas ang masamang espiritu.

The issue is not the power of our faith, but the power of the Person we have faith on. Hindi ko sinasabing milagrong mawawala na lang ang problems natin. Hndi ko rin sinisiguro na sasagutin ang lahat ng prayers natin. Pero ang gamot sa uncertainty ng ating sitwasyon ay ang certainty natin kay Christ, full of grace and truth, holding authority over all circumstances.

Si Jesus Christ, hindi ang COVID-19, ang may huling salita. He is the bedrock of our faith, no matter how small it is.

­­ð

This response contributed by Nelson T. Dy

Author of Regret No More; How to Mend a Broken Heart; Your First Job; and The Honeymoon Never Ends.

Si Nelson T. Dy ay author, trainer, at speaker on career, relationships, and spirituality. Regular guest preacher din siya sa Union Church of Manila. To date, Nelson has published 10 books. Kasama rito ang Gintong Aklat award-winning book, The Honeymoon Never Ends (published by OMF Literature). Visit his website www.nelsontdy.com or contact him via nelsontdy.com@gmail.com

This is just one of the many questions that we try to answer and analyze in our FREE EBOOK - What About COVID-19? Why? What Now? What’s Next. You can download the ebook HERE.

To learn more about it, click here.

 

covid_web copy.jpg