Bakit inallow ng Diyos ang COVID-19?

Psalm 42 5 6.png

COVID-19 came “like a thief in the night.” Noong January, busy pa ang marami sa atin sa pagpaplano para sa trabaho. ’Yung iba nag-book pa ng kanilang mga out-of-town trips. At may plano na rin para sa Holy Week. And then dumating ang lockdown. Doon natin unti-unting naramdaman ang tila baga’y sumpa ng COVID-19. Ngayon marami ang nawalan ng trabaho. Marami ang nagugutom. ’Yung bayaw ko na nakatira sa Sta. Ana, Manila lagi niyang naririnig ang pag-iyak ng mga bata sa kalapit na bahay nila dahil walang makain.

Bakit ba inallow ng Diyos ang COVID-19? Parusa ba Niya ito sa atin? Kung titingnan natin ang Biblia, isa sa pinaka-common na response ng marami sa ganitong tanong ay oo, parusa nga ng Diyos. Ang sakit, kabiguan, pagkalugi, pagkatalo ay karaniwang ini-interpret bilang isang judgment o parusa ng Diyos. Siguro masama tayo kaya tayo naghihirap, ’yan ang karaniwang iniisip ng mga tao. Maging noong panahon ni Jesus, nang makita ng Kanyang mga alagad ang isang taong ipinanganak na bulag, ang tanong nila kay Jesus ay, “Sino po ang nagkasala… siya ba o ang kanyang mga magulang?” (Juan 9:2, MBB).

Subalit ano ang sagot ni Jesus: “Ipinanganak siyang bulag, hindi dahil sa nagkasala siya, o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos” (Juan 9:3, MBB). Bagama’t common answer ang judgment of God or sin as cause for suffering, maliwanag sa tugon ni Jesus na hindi nalilimitahan ang sagot dito. Mahiwaga ang pamamaraan ng Diyos. Honestly, hindi talaga natin alam kung ano ang tunay na layunin ng Diyos kung bakit inallow niya ang COVID-19.

Maaaring ito na ang paraan Niya upang bigyan ng much-needed rest ang Mother Earth. God’s Creation, according to Romans 8:22 has been groaning. Sobra na ang pag-abuso ng tao sa kalikasan. Kaya’t pinatigil ng Diyos ang lahat upang makapagpahinga at makahinga ang karagatan, himpapawid, kabundukan. Naririnig ko na ngayon ang huni ng ibon. For the first time, during the first Saturday of the lockdown, tumingin ako sa street namin and there were no cars passing by, no noise. It’s all silence.

And because of that silence, nagkakaroon din tayo ng pagkakataon upang pakinggan ang ating kalooban, kumustahin ang ating sarili. Before COVID-19 and the quarantine, wala tayong time to stop and to reflect. Ngayon marami tayong panahon upang manahimik. Gawin natin ang ginawa ng salmista – tinanong niya ang kanyang kaluluwa: “Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko? Bakit ka nababagabag sa loob ko?” (Awit 42:5)

When was the last time you talked to your soul? Ito na ang pagkakaton. Try to be in touch with your emotions. Don’t keep on shutting up your heart; listen to it. And you will be surprised, meron pala Siyang nais sabihin sa iyo. It is important to be in touch with our emotions because it allows us to see what’s in there and in so doing, we begin to address the issues that may be arising. Maraming tao ngayon hindi pinapapakinggan ang loob nila. Lagi silang naghahanap ng distractions. In denial. Ayaw harapin ang sarili. Delikado ’yan. Baka isang araw bigla ka na lang mag-breakdown. Bakit hindi mo gamitin ang mga pagkakataong ito upang lumapit ka sa Panginoon at ibuhos sa Kanya ang iyong nasa loob?

­­ð

This response contributed by Dr. Rico Villanueva Author of It’s OK to Be Not OK—The Message of the Lament Psalms at Lord, I’m Depressed—The Lament Psalms and Depression

This is just one of the many questions that we try to answer and analyze in our FREE EBOOK - What About COVID-19? Why? What Now? What’s Next. You can download the ebook HERE.

To learn more about it, click here.

covid_web copy.jpg

About the Contributor:

Si Dr. Rico Villanueva ay Regional Commissioning Editor ng Langham Publications at Scholar Care Coordinator ng Langham scholars sa Asia. Nagtuturo siya ng Sacred Scripture sa Loyola School of Theology sa Ateneo de Manila at sa Asia Graduate School of Theology. His books with OMF LIT include Lord, I’m Depressed—The Lament Psalms and Depression; and It’s OK to be Not OK: The Message of the Lament Psalms (also available in three booklets in Taglish: OK Lang Maging Malungkot at Umiyak; OK Lang Mag-struggle at Mabigo; at OK Lang Magalit at Magtampo sa Diyos).