#RejoiceInHope: Woke From Home
Woke – (adj.) being aware of injustice and active in social affairs
Under state of calamity ang bansa natin ngayon dahil sa patuloy na pagtaas ng novel coronavirus cases. Suspendido rin ang public transportation at naka-home quanrantine ang mga kababayan natin sa Luzon. Dahil dito, hindi maiwasan ang takot at pagkabahala na nararamdaman ng bawat isa.
“Paano na ang kabuhayan namin?”
“Saan ako kukuha ng pambayad sa bills?”
“Ano ang kakainin namin sa panahong ito?”
“Kelan ito matatapos?”
“Bakit kailangan pang mangyari ito?”
Nasa loob nga tayo ng tahanan natin, pero nasa labas naman ang isip natin. Nakakadagdag pa rito ang mga bad news, at negative posts na nakikita natin sa social media. Walang humpay sa pagscroll down, like, comment at share para ma-spread ang information. Safe nga tayo sa virus, pero hindi sa panic attacks.
Sa mga panahong ito na mas makakapag-spend tayo ng oras sa sarili natin, sa pamilya natin at kay Lord, piliin nating mas maging woke sa love at relationship na meron tayo sa kanila kaysa maging woke sa uncertainties na kinakaharap natin sa buhay. Sabi nga ni John, “There is no fear in love; but perfect love casts out fear, because fear involves torment. But he who fears has not been made perfect in love.”
Wake up with a smile. Set natin ang mood natin na kahit nasa bahay tayo, we can still expect something new everyday. Hindi natatapos ang blessings ni Lord.
Open your Bible. This is the best time to seek God and pray. Hindi mo lang papalakasin ang faith mo, pero nilalakihan mo rin ang puso mo para tanggapin ang mga nangyayari at magkaroon ng pag-asa na may bagong bukas na naghihintay sayo at sa pamilya mo.
Know that God is with you. Iba ang confidence na meron tayo kapag alam natin na sa gitna ng pagsubok, kasama natin si God. “If God is for us, who can be against us?” Protected ka at ang family mo dahil Hindi nagpapabaya si Lord.
Encourage at least 5 people daily. Share the Word of God and His encouraging truth. Tag your friends in Facebook, leave a private message in their accounts, call them in their personal numbers, everything will do. Iparamdam mo sa kanila na hindi sila nag-iisa sa crisis na ito. Together, hope can be much bigger than your fears.
Woke Up! The world needs you. Hindi mo kailangan ng position para mag-serve sa tao. Being a carrier of love and faith and hope is more than enough. Online or offline, you can make a difference. Do your woke from home.
Super fan si Larizza ni Iron Man, at ng KDrama and movies. May special space sa puso niya si Spongebob Squarepants. Kasalukuyan siyang Youth/Young Adults Minister/Leader/Sunday School Teacher/Finance and Administration Coordinator sa Newlife–Tanza. She works for one of the largest banks in the Philippines as an auditor. Maaari ninyo siyang i-email sa dulaylarizza@gmail.com o i-follow sa kaniyang blog: larizzadulay.wordpress.com, o makausap sa kaniyang Facebook Page: facebook.com/captivating143.
She is one of the authors of Kaya Ko Pa Bes, a Taglish weekly devotional now available at OMF Lit Bookshops and our online store, shop.omflit.com for P225.