Advice ng Biblia Sa Mga Boboto

Sa ginawa nating pag-usisa sa godly roots ng government, makikita natin that God cares about the kind of public officials that we will have. Yan ang dahilan kung bakit may mahalagang papel na pwedeng gampanan ang simbahan na maaasahan ng mga botante kung gobyerno ang pag-uusapan.

Yes, the church, as an institution in society, ought not to rule politically. Lalabagin kasi nito ang prinsipyo ng sovereignty of spheres kung saan ang pamamahala sa bansa ay isang realm o function na dapat ibigay sa mga opisyal ng gobyerno at hindi sa mga lider ng simbahan.

Pero kahit sa mga bansang may policy na kung tawagin ay “separation of church and state” tulad natin dito sa Pilipinas, may malaki at napakahalagang role pa din ang simbahan sa pulitika ng isang bayan. Isa na dito ang siguraduhing the government will have an ample supply of good leaders with godly values, politicians na may takot sa Diyos, mga kandidato na hindi lamang public servants kundi mga “servants of God,” specifically sa arena ng pamamahala.

Sa obserbasyon ni Prof. Randy David, isa umano sa pinakamahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin upang mabago natin ang takbo ng pulitika sa ating bansa ay ang paghikayat sa mga qualified at competent na kabataan na may potensyal na maging future leaders of the nation na pasukin ang larangan ng pulitika hindi lamang as a dignified career kundi isang worthy calling from God.9 Totoo nga naman, dahil sa harap ng nabubulok na klase ng pulitika na meron tayo sa Pilipinas, we need more young people who can imagine a different scenario because they are convinced that God has a better design and purpose for politics. Sa adhikaing ito, malaki ang maiiambag ng mga simbahan. Narito ang ilan sa mga pwedeng hingin ng mga botante sa kani-kanilang mga simbahan:

Una, raise up church members who will possess the godly values needed to rule well.

Hindi natin pwedeng asahan ang paaralan o ang barangay na turuan ang mga potential leaders ng ating bayan ng pamantayan ng Diyos sa mabuting pamamahala (isang halimbawa ang mataas na standards na nasa Psalm 72). Tungkulin ng simbahan na ituro ang sinasabi ng Biblia patungkol sa pagsasabi ng totoo, paglaban sa korupsyon at panloloko, paglilingkod sa kapwa, pagbibigay ng atensyon sa mga nasa laylayan ng lipunan, pagbibigay ng hustisya sa mga inaapi, at iba pang mga Christian values na makakapag-angat sa buhay ng mga kapos-palad. Ika nga ni Roy Herron, if ever politics will be practiced by Christians, it has to done faithfully.

Pangalawa, develop church members who will know what it takes to be a godly citizen.

Sinasabi sa Biblia na kalakip ng pagiging maka-Diyos ang tapat na pagbabayad ng buwis. Sa wika nga ni Kristo, “Give to Caesar what belongs to Caesar.” Pero kalakip ng pagbibigay ng nararapat na buwis sa pamahalaan ay ang paglalagay din naman ng nararapat na mga opisyal sa gobyerno na siyang gagamit ng kaban ng bayan. Malaki ang maiiambag ng simbahan sa pagtuturo sa bawat miyembro nito na maging mga mabuting mamamayan.12 At sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas, isa sa pangunahing tungkulin ng isang citizen ay bumoto nang tama at maghalal ng mga karapat-dapat na pinuno ng bayan.13 Ika nga ni dating US President Lyndon Johnson, “Voting is the first duty of democracy.” Syempre, kasama din diyan ang magbantay sa eleksyon at siguraduhing mabibilang nang tama ang boto ng bawat Pilipino.

Pangatlo, issue a prophetic voice that shall serve as the conscience of government officials.

Kailangang matutunan ng simbahan how to do critical collaboration with the government. Bilang asin at ilaw ng mundong ibabaw,16 kailangan niyang ilapit ang kanyang sarili at matutong makitungo sa pamahalaan —Hindi upang maging tuta na pulitiko kundi upang maging tanglaw sa mga pilit na itinatago at maging antiseptic sa mga dumi na kumakapit sa gobyerno.

Mahalagang magkaroon ng prophetic voice ang simbahan upang ipaalala sa mga naka-upong pulitiko ang kabanalan ng kanilang inuupuang pwesto. Public service is not only a public trust; it is also a godly must. Ipinakita sa atin ni Propeta Nathan kung paano maging prophetic voice nang minsang tinangkang gamitin ni King David ang kanyang posisyon para sa pansariling kapakanan. Basahin ang 2 Samuel 12 at tingnan kung paano niya ginampanan ang kanyang tungkulin na maging konsyensya ng pamahalaan. Tandaan natin na sa magulong kalagayan ng pulitika na meron tayo ngayon, “The religious voice, at its best, is perhaps the only remaining force that can call us to something higher and better than thinking constantly about our own selves, our own wants, our own rights.

WP-BOBOto 2019-P45 copy.jpg

This is an excerpt from Boboto Ba Ako? by Rei Lemuel Crizaldo. This book is now available at 30% off (P45 only!) at all OMF Lit and Passages Bookshops and our online store, passagesbooks.com.

Babaha na naman ang mga flyers, ang mga pader matatakpan ng mga posters, pero handa na ba ang mga voters? Parang langis at tubig ba ang faith at politics--Hindi pwedeng mag-mix?     

Kung gusto mong makakita ng seryosong pagbabago, wag mong sayangin ang boto sa  maling kandidato. Para maparinig ang boses mo, di kailangang maki-rally sa EDSA at Mendiola. Why? Dahil pwede mong gawin yan sa pamamagitan ng iyong balota.  Akala ng iba na ang future ng Pilipinas ay nasa mga kamay ng mga kandidato. Ang totoo niyan, ito ay nasa kamay mo. 

    Anong Mababasa sa Loob: 
    Boboto ba ako?  
    Throwback ng isang BOBOto  
    Ang halaga ng isang BOBOto 
    Advice ng Bible sa mga BOBOto   
    BOBOto ka ba para kay Jesus?   
    Hi-Tech na BOBOto 'to! 
    Bakit Di Na Ako BOBOto 
    BoBOTO pa rin ako! 
    Huling Hirit"