You Can't Hurry Love
Immature people make immature and problematic marriages. Sila ’yung madaling sumusuko kapag nakaranas ng mga krisis sa pagsasama. Hindi nila magawang manindigan sa kung ano ang tama dahil hindi pa nila kayang alagaan ang iba. Kailan mo masasabing mature ka na to enter in a relationship? May ilang indicators iyan:
• You act according to your age at hindi obnoxious (asal-bata);
• Marunong kang magdesisyon para sa iyong sarili at kayang harapin ang ano mang magiging consequences ng desisyon mo;
• Kaya mong magpigil sa iyong sarili para sa ikakabuti ng iyong relasyon (delayed gratification);
• Marunong kang rumespeto sa iba kahit iba ang kanilang paniniwala at pananaw sa buhay;
• Matalino kang tumingin sa mga isyu nang hindi pinapangunahan lagi ng emosyon;
• May maayos kang pagtingin sa iyong sarili (healthy self-image); at
• Others-centered ka o kayang ituon ang buhay para paglingkuran ang iba.
Mahirap makipagrelasyon kung wala kang psycho-emotional skills para alagaan ang ibang tao. Magiging pabigat ka sa partner mo. May posibilidad na ikaw ang dapat unawain, dapat pinagbibigyan, at dapat na inuuna sa lahat ng bagay. Eventually, maaaring magsawa sa pagunawa ang iyong partner. Siya ay give nang give, samantalang ikaw ay take lang nang take. Huwag ganun.
Sa mga kalalakihan, matutong magbanat ng buto. Isa sa pinaka-hate ng maraming kababaihan ay ang iresponsable at batugan. Hindi kayang pakainin ng six-pack abs ninyo ang inyong pamilya. Iwasan ang mga bisyo at ihanda ang sarili para maging mabuti at huwarang asawa at ama. Sa mga kababaihan, develop your personality and inner beauty. Ang lakas makaganda points ng kahinhinan at kakayahan na maging mabuting ina ng tahanan. Hate na hate ng maraming lalaki ang high-maintenance ladies—iyong maraming luho sa buhay. Huwag din kayong laging umaasa sa mga kalalakihan para mabuhay. You should know how to take care of yourselves. Learn how to be self-led. Be independent in many ways.
This is an excerpt from Lovestruck Shanaba Edition by Ronald Molmisa, the latest in the best-selling Lovestruck series of Taglish books.
“Shananga!” The long wait is finally over. Eto na siya—the love of your life, the answer to your prayers, your dream come true. Masasabi mo na sa wakas, “MAY FOREVER!” Pero teka, bakit parang nagta-tug-of-war ang puso at utak mo? Baka sa takot mong maging mag-isa sa buhay, kino-convince mo lang ang sarili mo na siya na nga.
The book is now available at Luzon OMF Lit Bookshops for only P75 but if you buy it until September 30, you get 30% off1 You can also order it at our online store .